Wallet na Nawawala

Wallet na Nawawala

Sa kakaibang pangyayari sa loob naman ng tindahan habang ako ay nagbabantay at bumabati sa mga Panauhing pumapasok ay napansin ko ang dalawang estudyante na pabalik-balik sa pwesto ng basket at sa selling area. Ang dalawang estudyante ay kapwa Grade 7 lamang ng Colegio San Jose de Alaminos. Halos tila naaburido na sa paghahanap. Sa kanilang paglapit muli sa basket ay tinanong ko sila kung ano ang kanilang hinahanap. Saka nila binanggit na nawawala daw ang wallet ng isa sa kanila. Dahil hindi ko maaaring iwanan ang pagbabantay sa package counter ay ipinasuyo ko sila kay Kapwa Shenalyn, ngunit sa kanilang paglilibot ay hindi pa rin nila nahahanap ang wallet.
Sa paghahanap ay lumapit na rin si Kapwa Shenalyn kay Maam Nympha upang ma-review sa CCTV ang kanilang pagpasok. Doon ay nakita ngang nalaglag mula sa pagkakasuksok sa bulsa ng palda ang wallet at hindi ito namalayan ay nasipa ito pailalim sa shelves ng mga repacked paper. Sa huli ay nakita rin ang kanyang wallet. Sa kanilang pag-alis ay nawala na sa kanila ang bakas ng pagkalungkot at tila natuwa din sila at nagpasalamat dahil natulungan sila sa kanilang paghahanap. Ika nga nila habang sila ay papaalis ay babalik daw sila sa tindahan.